Pangulong Duterte, tinanggap na ang nominasyon ng PDP-Laban na tumakbong VP sa 2022 polls

By Chona Yu September 23, 2021 - 01:12 PM

PDP-Laban photo

Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban na maging kandidatong bise presidente sa 2022 national elections.

Base sa litrato na ipinamahagi ng kampo ni Energy Secretary Alfonso Cusi, ipinakita nito na nilalagdaan ng Pangulo ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).

Kasabay nito, inilabas din ng PDP-Laban ang litrato ng pirmadong CONA ni Pangulong Duterte.

Matatandaang si Senador Christopher “Bong” Go ang napiling kandidato ng PDP-Laban subalit tinanggihan ng senador ang maging standarad bearer.

Ayon kay Go, wala sa pulitika ang kanyang atensyon ngayon kundi ang matulungan ang taong bayan sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.

TAGS: 2022elections, 2022polls, InquirerNews, PDP Laban, RadyoInquirerNews, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, PDP Laban, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.