Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA).
Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, tuluyang nakalabas ang LPA ng teritoryo ng bansa bandang 12:00, Miyerkules ng tanghali.
Nakapaloob pa rin aniya ito sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa partikular sa Southern Luzon, buong Visayas at Mindanao.
Bunsod ng naturang weather system, asahan pa rin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa parte ng Eastern Visayas, Caraga, Zamboanga Peninsula, at Palawan.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila na may tsansa ng thunderstorm.
Sinabi pa ni Figuracion na walang inaasahang mabubuong sama ng panahon sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.