Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (September 22), pumalo na sa 2,417,419 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 162,580 o 6.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 15,592 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
92.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.0 porsyento ang asymptomatic; 2.81 porsyento ang moderate; 1.5 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 154 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 37,228 o 1.54 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 24,059 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,217,611 o 91.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.