Pangulong Duterte, humirit sa UN na magkaroon ng epektibong global governance
Hindi sapat ang ginagawang hakbang ng United Nations (UN) para tugunan ang krisis na kinakaharap ng mundo.
Sa talumpati sa ika-76 UN General Assembly, humihirit ang Pangulo sa UN na magkaroon ng epektibong global governance.
“The UN is a product of an era long past. It no longer reflects the political and economic realities of today,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na bigo ang UN na panatilihin ang demokrasya at transparency.
“Democracy and transparency are concepts that reverberate in the halls of the UN. But ironically, the Security Council – the pinnacle of the UN structure – violates every tenet of these values. It is neither democratic nor transparent in its representation and processes,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi lang siya ang bukod tanging lider ng bansa na pumupuna sa kakulangan ng UN kundi maging ang iba pang lider.
“Many member states have spoken firmly and we agree: This simply is not right. If the UN is to lead the world out of the many crises we face, things need to change. The UN must empower itself, by reforming itself. Therein lies the hope for humanity,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.