Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 230.31 milyon
Pumalo na sa 230.31 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 230,318,914 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 43,242,302 cases.
Sumunod na rito ang India na may 33,531,498 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 21,247,094 naman ang kaso sa Brazil habang 7,496,543 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 7,313,851
– France – 6,964,699
– Turkey – 6,904,285
– Iran – 5,459,796
– Argentina – 5,243,231
– Colombia – 4,943,622
– Spain – 4,937,984
– Italy – 4,641,890
– Indonesia – 4,195,958
– Germany – 4,164,392
– Mexico – 3,585,565
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,722,786 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 207,030,337 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.