Inanunsiyo ni Pangulong Duterte na prayoridad na tatanggapin sa bansa ang mga babae at batang refugees mula sa Rohingya at Afghanistan.
Binanggit ito ng Punong Ehekutibo sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly.
Ayon pa kay Pangulong Duterte, inatasan na niya ang Department of Justice para makipag-ugnayan sa UN High Commission for Refugees para sa mas maayos na cooperation program para sa mga Rohingyas.
Inamin nito na limitado lamang ang kapasidad at kakayahan ng Pilipinas at aniya maari naman hatiin ang bilang ng mga kukupkupin na refugees.
Ilang refugees na mula sa Afghanistan ang pinayagan na makapasok sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES