DBM – Pharmally deal, ‘mother of all corruption’ – Sen. Dick Gordon
Ang tinutukoy ni Gordon ay ang pagkakakuha ng Pharmally Pharmaceutical ng P8.6 bilyong halaga ng mga kontrata sa Procurement Service ng Department of Budget and Management.
Diin pa ng senador na hanggang may mga nabubunyag na anomalya ay hindi titigil ang pinamumunuan niyang komite sa pag-iimbestiga.
“Hanggang may hinahanap kami, tutuloy namin. ‘Di na kami titigil diyan sa dami,” pagtitiyak nito sa isang panayam.
Dagdag pa niya; “Ang laki-laki nito, biruin mo break the record ito sa corruption, this is the mother of all corruption, sa Duterte administration pa nangyari. Inaasahan ng tao isasalba ang tao sa kahirapan.”
Ang ginagawang pag-iimbestiga sa Senado ang naging mitsa ng pagpapalitan nina Pangulong Duterte at Gordon ng mga hindi kanais-nais na salita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.