2 South African citizens, Pinay call center agent huli sa drug-bust sa Cavite
Nakumpiskahan ng may P3.4 milyong halaga ng shabu ang dalawang South African nationals sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa General Trias, Cavite.
Sa inisyal na ulat kay PDEA Dir.Gen. Wilkins Villanueva, kinilala ang mga dalawang naaresto banyaga na sina Stephen Michaels, isang Ghanian citizen at Agbe Monday Patrick, isang Nigerian student.
Inaresto din ang kasama nilang Filipina na su Roca Kaylene Mejia, isang call center agent.
Nakuha sa tatlo ang 500 gramo ng shabu, isang caliber .45 pistol at isang Nissan Almera (NAT 4083).
Kakasuhan ng mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.