Agawan sa South China Sea idaan sa pag-uusap – Pangulong Duterte

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapwa lider sa iba’t-ibang bansa na resolbahin ang isyu sa agawan ng teritoryo sa South China Sea sa mapayapang paraan.

 

Sa talumpati ng Pangulo sa 76th United Nations General Assembly, sinabi nito na kaisa ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang stakeholders sa pagsusulong ng kapayapaan sa South China Sea.

 

Ayon sa Pangulo, ang 1982 UNCLOS at ang 2016 arbitral award ng South China Sea ay nagbibigay ng maayos, patas at win-win solution para sa lahat.

 

Hinimok pa ng Pangulo ang UN na gumawa ng reformation para maayos na matugunan ang isyu.

 

Sa ngayon, patuloy ang girian at agawan ng teritoryo ng Pilipinas at China sa South China Sea.

 

Read more...