Pangulong Duterte sa DOJ, PNP: Suriin ang ‘war on drugs’

By Chona Yu September 22, 2021 - 09:19 AM

Inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Justice at pambansang pulisya na pag-aralan ang mga polisiya sa pagkasa ng kampaniya kontra droga.

 

Kasunod itong ulanin ng mga batikos at tiniyak ni Pangulong Duterte sa United Nations General Assembly, sa harap ng iba pang mga lider sa buong mundo, na mananagot ang mga mapapatunayang nagmamalabis na awtoridad sa kanilang mga anti-illegal drugs operations.

 

Aniya obligasyon ng gobyerno na pangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan.

 

Kaya naman iginiit ni Pangulong Duterte na papapanagutin niya ang lahat ng uri ng kriminal kabilang na ang mga terorista sa buong pwersa ng batas.

 

Samantala, inihayag ng Pangulo  na naisapinal na nila ng United Nations kamaikailan lamang ang joint programs  sa karapatang pantao na magsisilbing modelo para sa isang constructive engagement  sa pagitan ng isang sovereign member state at ng UN.

 

Ayon sa Pangulo, layunin nito na magkaroon ng makabuluhang pagbabago  na kinakailangang manggaling mismo sa loob ng UN.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.