15 VCMs naideliver na sa Payatas B Elementary School

Kuha ni Jun Corona
Kuha ni Jun Corona

Dumating na ang mga vote counting machine or VCM na gagamitin sa eleksyon sa Lunes sa Payatas B Elementary School sa Quezon City.

Ang 15 VCMs ay sakay ng isang closed van na pag-aari ng private firm na 2GO na ka-partner ng Commission on Elections sa pagdedeliver ng mga gamit para sa eleksyon.

Ang closed van ay naglalaman ng 36 ng makina para ideliver sa tatlong eskuwelahan sa Quezon City.

Ayon kay Jay Ureta ang principal ng eskuwelhan, kung ikukumpara noong nakaraang halalan mas mabilis ang pagdating ng mga makina at paraphernalia para sa eleksyon.

Para naman matiyak ang seguridad ng VCMs sinabi ni SPO1 Carlos Casteñeda dalawang team ng Philippine National Police ang magpapalitan sa pagbabatay sa mga makina hanggang sa matapos ang eleksyon.

 


 


 

Read more...