NBI pasok sa imbestigasyon sa pagpatay sa human rights lawyer sa South Cotabato

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pagpatay kay human rights lawyer Juan Macabadbad sa Surallah, South Cotabato noong nakaraang setyembre 15.

Nakasaad din sa inilabas na Department Order No. 222 ni Guevarra na kung makakalikom ng sapat na mga ebidensiya, magsampa na rin ang NBI ng mga kaso laban sa mga pinaniniwalaan nilang responsable sa krimen.

Inatasan niya si NBI OIC Eric Distor na magsumite ng progress report makalipas ang 10 araw.

Una nang sinabi ni Union of People’s Lawyers in Mindanao (UPLM) chairman Antonio Azarcon na may mga pagbabanta sa kanyang buhay si Macabadbad nang patayin ito sa harap ng kanyang bahay.

Ang biktima ang vice chairman ng UPLM nang siya ay mapatay.

Kinondena na ng Commission on Human Rights at Integrated Bar of the Philippines ang pagpatay sa public interest lawyer.

Read more...