PRC binira nina Sens. Villanueva at Cayetano sa kanselasyon ng licensure exams
Pinagsabihan ni Senator Joel Villanueva ang Professional Regulation Commission (PRC) na tila kulang sa pagmamalasakit sa mga examinees.
Kaugnay ito sa pagsuspindi ng PRC ng professional licensure exams nitong nakalipas na dalawang taon at partikular pa niyang binanggit ang Licensure Examination for Teachers (LET).
Himutok ng senador bago pa man ang araw ng examination ay gumagastos na ang examinees.
“Examinees, before the actual exams, already spent money for the review, excluding the P900 non-refundable application fee paid to the PRC. They are also required to undergo a 14-day quarantine period, submit a medical certificate and a negative RT-PCR Test out-of-pocket expense certificate,” sabi pa ng senador.
Hindi rin aniya makapag-trabaho ang mga ito dahil wala pa silang lisensiya.
Nabanggit niya na sa 101 scheduled exams ngayon taon, 24 pa lamang ang natuloy.
Samantala, sinuportahan naman ni Sen. Pia Cayetano ang posisyon ni Villanueva.
Sinabi ni Cayetano na kinakailanGan na may ‘strategic foresight’ ang PRC sa pagkasa ng mga licensure exams ngayon nanatili ang COVID-19 pandemic.
“We are watching, awaiting and hoping that all of our educational institutions, including the PRC, will really have a clear plan on ensuring that our very valued human talents are able to fulfill their most promising future by allowing them to at least take the tests and be able to move forward and get the job that they want,” sabi pa ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.