Pilot testing ng face-to-face classes, magandang hakbang sa sistema ng edukasyon – Sen. Francis Tolentino

By Jan Escosio September 21, 2021 - 09:51 AM

Naniniwala si Senator Francis Tolentino na magandang hakbang ang pagpayag ni Pangulong Duterte na magkaroon ng pilot testing ng ‘face-to-face classes’ sa mga lugar na mababa ang bilang ng COVID 19 cases.

Ayon kay Tolentino ito ay patungo sa normalisasyon at pagsasa-ayos pa ng sistema ng edukasyon sa bansa.

Noon pang Hulyo isinusulong na ng senador ang dahan-dahang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga low risk island provinces para sana sa muling pagbabalik eskuwelahan ngayon taon.

Binanggit pa niya ang mga probinsiya ng Guimaras, Biliran, Batanes at Camiguin na may zero o mababang COVID 19 infection rate na maaring pagsimulan ng balik-eskuwelahan.

Ipinagdiinan ng senador na hindi umuubra ang distance learning modality, ang kombinasyon at online at modular learning, bunsod na rin ng isyu sa internet connectivity sa bansa.

Pinatitiyak lang niya na istriktong masusunod pa rin ang health and safety protocols na itinakda ng Inter Agency Task Force (IATF).

TAGS: face-to-face classes, Francis Tolentino, face-to-face classes, Francis Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.