Nasal spray vaccines vs COVID 19 sumasailalim sa clinical trials – WHO

Inanunsiyo ng World Health Organization (WHO) na nagsasagawa na ng clinical trials sa walong nasal spray vaccines kontra COVID-19.

Nabatid na natapos na ang phase-2 trials sa nasal spray na ginagawa ng Xiamen University sa China, University of Hong Kong at Beijing Wantai Biological Pharmacy.

Paliwanag ni Nathalie Mielcarek, isang researcher sa Lille Pasteur Institute sa Paris,  dahil sa ilong kadalasan pumapasok ang virus sa katawan ng tao kayat sa ilong din naiisip na ipasok ang pangontra sa COVID-19 para mapababa ang posibilidad na makahawa at mahawa.

“From there you have less of the virus infecting the lungs and so fewer severe cases since the viral load is lower,” sabi ni Mielcarek.

Sa artikulong nailathala noong Marso, puna ng Vaccine Alliance mas may bentahe ang nasal spray dahil hindi na nito kinakailangan ng napakababang temperatura at hindi na rin kailangan ng tulong ng health professionals.

“People would be able to self-administer them at home. They are likely to be more popular for the millions of people who don’t like needles,” ayon pa sa artikulo.

Sa pag-aaral ng researchers at scientists ng French Institute, 100 porsiyento sa mga daga na ginamitan ng nasal spray ang nakarekober sa COVID-19 infection, samantalang ang ibang daga na ‘unvaccinated’ ay namatay.

Read more...