Mga Cabinet officials pinagwa-walk out ni Pangulong Duterte sa Senate hearing kung sisigaw-sigawan ni Gordon

By Chona Yu September 21, 2021 - 08:13 AM
Mag walk out kayo.
Utos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Cabinet officials na dadalo sa Senate hearing at  kung sisigaw-sigawan ni Senador Richard Gordon.
Hindi aniya dapat na pumayag ang mga Cabinet officials na basta na lamang bubulyawan ni Gordon.
Si Gordon ang chairman ng Senate Blue Ribbon committee na nag iimbestiga Pharmally Pharmaceuticals Corporation. Ang kompanya na nag-suplay sa gobyerno ng umano’y overpriced na  anti-virus masks at face shields na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso.
Sinabi pa ng Pangulo na sakaling I detain ng Senate sergeant at Arms ang mga cabinet officials, personal niyang  pupuntahan sa senado para sunduin o I extract ang mga ito.
“Huwag kayong pumayag na sigaw-sigawan kayo ni Dick Gordon. Just stand up and go out. I said if the sergeant-at-arms i-detain ka, then once I hear about it, I will go to the Senate and get you, extract you. Iyan talaga ang mangyari,” pahayag ng Pangulo.

TAGS: cabinet officials, Pangulong Rodrigo Duterte, Pharmally, Richard Gordon., walk out, cabinet officials, Pangulong Rodrigo Duterte, Pharmally, Richard Gordon., walk out

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.