DOH, iniimbestigahan na ang reklamo vs resulta ng COVID-19 tests ng PRC lab sa Subic
Iniimbestigahan na Department of Health (DOH) ang lumabas na resulta ng COVID-19 tests ng isang laboratoryo ng Philippine Red Cross (PRC) sa Subic Bay Freeport.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ibinahagi ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta na may reklamo ang ilang hospital personnel na nagpasuri sa PRC laboratory sa naturang lugar.
Lumabas sa resulta na 49 sa mga tauhan ng ospital ang positibo sa COVID-19.
Pero makalipas ng tatlong araw, negatibo ang karamihan dito base naman sa pagsusuri sa ibang laboratoryo.
Siniyasat din ang naturang insidente ni Quezon Rep. David Suarez.
Nagdulot aniya ng mental anguish, anxiety at stress ang naunang resulta.
Giit nila, hindi biro ang ma-isolate kahit hindi talaga positibo sa nakahahawang sakit.
Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na may natanggap nila ang naturang reklamo ukol sa pagpapasuri ng hospital personnel sa PRC noong September 3, 2021.
Ngunit dahil sa pagdududa sa resulta, nagpasuri muli ang mga personnel ng Medical City sa Clark noong September 6, 2021, kung saan mula sa 49 sa naunang tests ng PRC, 44 ang nagnegatibo sa nakakahawang sakit.
Inatasan na aniya ng DOH ang Research Institite for Tropical Medicine (RITM) at lab network, sa pamumuno ni Asec. Nestor Santiago, na beripikahin ang reklamo.
Siniguro nito na ilalabas ng kagawaran ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.