Ari-arian ng Pharmally execs pinapa-‘freeze’ sa Anti-Money Laundering Council

By Jan Escosio September 20, 2021 - 07:45 PM

Hiniling ni Senator Leila de Lima sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang lahat ng mga ari-arian ng mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp., matapos mabunyag na nagkan-kanyang bili sila ng mga luxury cars matapos makuha ang bilyong-bilyong pisong halaga ng mga kontrata sa gobyerno.

Sinabi ni de Lima na dapat agad kumilos ang AMLC sa pangamba niya na mailipat na sa ibang bansa ang pera ng Pharmally executives.

“Like everyone else, I was shocked by the parade of Lamborghinis, Porsches, and Lexuses owned by the directors of Pharmally who apparently went wild on a luxury car buying-spree after receiving their 8.7 billion windfall from selling overpriced PPEs, masks, and face shields to the government. Kulang na lang yung Maserati ni ex-DBM Usec. Lloyd Christopher Lao kumpleto na sana,” sabi ng senadora.

Tinawag nito ang mga opisyal ng Pharmally na walang mga kaluluwa.

Nabunyag sa huling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Se. Richard Gordon na sina Linconn Ong, Mohit Dargani at kapatid nitong si Twinkle ay bumili ng apat na magagarang sasakyan

“Alam naman nating laway lang ang puhunan ng mga ito, lalo na ang laway ni Michael Yang na tila ba napakatamis para kay Duterte at siya pa ang tumatayong abogado para sa kanila. Alam naman nating si Michael Yang lang at ang kanyang koneksyon kay Duterte ang dahilan kung bakit nakorner ng mga ito ang bilyon-bilyon na kontrata sa gobyerno,” sabi pa ng senadora.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.