18,937 bagong COVID 19 cases, active cases nabawasan ng 1,346

By Jan Escosio September 20, 2021 - 04:29 PM

Nakapagtala ngayon araw ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 18,937 COVID 19 cases sa bansa.

Bunga nito, lumubo na sa 2,385,616 ang naitalang kaso sa Pilipinas simula noong nakaraang taon.

Nabawasan naman ng 1,346 ang aktibong kaso at ito ay nasa 176,850 na mula sa 178,196 kahapon.

May 20,171 na karagdagang gumaling para sa kabuuang 2,171,832.

Samantala, umakyat sa 36,934 na ang namamatay sa sakit matapos madagdagan naman ng 146.

Sinabi naman ng kagawaran na ang Delta variant na ang nangunguna na sa uri ng mga COVID 19 variants sa bansa at nadagdagan pa ng 319 kaso.

Bukod dito, ibinahagi din ng DOH na mas marami na ang namamatay ngayon dahil sa COVID 19 kumpara sa naitala noong nakaraang Abril, kung kalian humataw ang bilang ng mga may sakit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.