Sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa kanyang House Bill 10222 ang mga pondo ng ibang ahensiya na hawak ngayon ng PS-DBM ay ililipat sa Bureau of Treasury.
Aniya tila nawala na ang mandato ng PS-DBM nang maipasa ang RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act.
Dagdag pa ni Rodriguez ang mga maapektuhang kawani ay babayaran ng kanilang separation and retirement benefits ayon sa nakasaad sa mga batas.
Nakasaad din sa panukala na ang mga ahensiya ng gobyerno na ang dapat maghanap at bumili ng kanilang mga kinakailangang suplay.
Paliwanag ni Rodriguez kapag naisabatas, may isang taon na transition period para sa pagsasagawa ng imbentaryo ng PS-DBM sa mga nabili na nilang suplay ngunit hindi na sila papayagan na bumili pa.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, may ilang senador ang nagsabi na dapat nang buwagin ang PS-DBM gayundin ang Philippine International Trading Corp. (PITC).
Ang PS-DBM ang bumili ng bilyong-bilyong pisong halaga ng COVID 19 supplies, na hinihinalang overpriced, para sa Department of Health.