Pilot testing ng balik eskuwelahan inaprubhan ni Pangulong Duterte

By Jan Escosio September 20, 2021 - 01:05 PM

Inanunsiyo ng Malakanyang na pumayag na si Pangulong Duterte sa pilot testing ng face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na hindi matindi ang banta ng COVID 19.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque na kalahating araw lang ang mga klase at hindi magkasunod na linggo na gagawin kundi may pagitan na isang linggo.

Dagdag pa niya, ang Department of Health ang magdedetermina ng banta ng COVID 19 sa mga piling lugar.

Kinakailangan din aniya na pumasa ang mga klase sa ‘safety assessment’ ng Department of Education.

Bukod pa diyan, kinakailangan na may ‘written consent’ ang mga magulang para sa pagpasok na muli ng kanilang anak sa paaralan.

Sabi pa ni Roque kailangan ay suportado ng lokal na pamahalaan ang pagbubukas muli ng mga eskuwelahan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.