Pagdeklara kay Pacman na ‘standard bearer’ ng PDP-Laban, ilegal – Cusi camp

By Jan Escosio September 20, 2021 - 12:51 PM

Tinawag na ilegal ng kampo ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang pagdeklara at pagtanggap ni Senator Manny Pacquiao na maging standard bearer ng PDP – Laban sa 2022 national at local elections.

Giit ni Atty. Melvin Matibag, secretary general ng PDP-Laban Cusi faction, na hindi binigyan basbas ni Pangulong Duterte, ang kinikilala nilang chairman ng partido, ang isinagawang national convention kahapon nina Pacquiao at Sen. Koko Pimentel III.

Aniya ang lehitimong convention ng PDP-Laban ay ang nangyari noong Setyembre 8, kung saan idineklara nila si Sen. Christopher Go na kanilang presidential nominee at si Pangulong Duterte naman ang kandidato nila sa pagka-pangalawang pangulo.

Sabi pa ni Matibag dapat ay hindi na ginamit pa ng kampo ni Pacquiao ang PDP-Laban sa kanilang ginawang deklarasyon.

“Tutal mayroon naman siyang ibang partidong sinasamahan, baka naman gusto niya ‘yun na gamitin niyang partido sapagkat dito sa PDP-Laban, nakita naman niya na wala nang suporta ng grupo, ng malalaking grupo,” diin ni Matibag.

Una nang inihayag naman ni Pimentel na sila ang kinikilalang lehitimong PDP-Laban dahil sila ang sinusuportahan ng mayorya ng kanilang mga lehitimong miyembro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub