Higit 2M doses ng Pfizer vaccines mula COVAX dumating sa bansa

Mag-alas-12 ng hatinggabi nang dumating ang higit dalawang milyong doses ng COVID 19 vaccine na gaw ang Pfizer-BioNTech.
Sakay ang 2,020,590 doses mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO) ng Emirates Flight EK 2520 at ang mga ito ay sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.
Kasama ni Galvez sa mga sumalubong sa mga bakuna sina WHO Country Rep. Dr. Rabindra Abeyasinghe, US Embassy Charge d’Affaires Heather Variava, US Embassy acting Mission Dir. Sean Callahan at Dr. Malalay Ahmadzai, chief of Health and Nutrition ng UNICEF Philippines.
Sinabi ni Galvez na ngayon buwan ay inaasahan ang pagdating ng 34 million doses at hanggang noong Setyembre 17, nakatanggap na ang bansa ng higit 58 million doses.
Halos 18 milyon na ang fully vaccinated sa bansa, samantalang 22.5 milyon na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.