2 timbog sa mga ilegal na baril sa Taguig City at Mandaluyong City

By Jan Escosio September 20, 2021 - 11:24 AM

RICHARD GARCIA / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Nagkasa ng magkahiwalay na buy-bust operations sa Taguig City at Mandaluyong City ang Southern Police District at nagresulta ito sa pagkaka-aresto sa dalawang katao.

Sinabi ni NCRPO director, Police Maj. Gen. Vicente Danao na unang naaresto noong Huwebes ng gabi si Nichol John Jerusalem sa Barangay Katuparan sa Taguig City.

Nakuha sa kanya ang limang matataas na kalibre ng baril at ibat-ibang mga bala.

Sa follow-up operation, naaresto naman si Bruce de Leon sa Barangay Concepcion sa Mandaluyong City at nakuha sa kanyang ang dalawang baril at mga bala.

Sinampahan na ang dalawa ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act.

Iniimbestigahan na, ayon kay Danao, kung may kaugnayan ang dalawang suspek sa mga nasa likod ng mga libo-libong baril at bala na nakuha kamakailan sa Quezon City at Bulacan.

Hindi rin aniya isinasantabi ang posibilidad na gagamitin ang mga armas sa nalalapit na eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.