Pagkatapos ng eleksyon, Digong, hahabulin ang mga nanira sa kaniya

By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2016 - 09:58 AM

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Desidido si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na habulin ang lahat ng mga taong nanira at humila sa kaniya pababa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Atty. Paola Alvarez, tagapagsalita ng PDP-Laban, sa ngayong ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang May 9 elections ay abala si Duterte pangangampanya.

Gayunman, matapos aniya ang eleksyon, desidido ang alkalde na habulin ang mga corrupt na taong humila sa kaniya pababa at gumamit pa ng pera ng gobyerno para siya ay siraan.

“Pinaninindigan na po niya (Duterte) na kapag natapos na po itong lahat ay hahabulin niya talaga ang lahat ng corrupt na tao na hinihila siya pababa at gumagamit ng funds ng gobyerno at kapangyarihan ila para manira ng ibang tao,” ayon kay Alvarez.

Ani Alvarez, hindi sila titigilan ni Duterte at titiyakin ng alkalde na mapapanagot sila sa batas. “Hindi po niya iyan titigilan, he will prosecute them to the end of the law,” dagdag pa ng abugado.

Sinabi ni Alvarez na dapat isipin ng publiko na ang paninira kay Duterte ngayon ay gawain ng maduduming pulitiko.

Lahat aniya ay gagawin ng mga kalaban para lamang sirain si Duterte dahil siya ang nangunguna sa mga survey.

Dagdag pa ng abugado, natatakot ang mga kalaban ni Duterte dahil sa sandaling mahalal ang alkalde ay tiyak na makukulong ang lahat ng corrupt sa pamahalaan.

Sana maintindihan ng mga tao na ito ay gawian ng maduduming pulitiko na kapag may nangunguna na sa presidential race ay gagawin nila ang lahat para siraan. Si Mayor Duterte isang tao lang na simple, kung totoong may pera siya bakit di niya mapagamot ang asawa niya? hindi niya mapag-aral sa magagandang school sa ibang bansa mga anak niya,?” ayon pa kay Alvarez.

 

 

TAGS: Digong will prosecute them to the end of the law says lawyer, Digong will prosecute them to the end of the law says lawyer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.