Non-medical frontliners, ipinasasama sa hazard pay at SRA ni dating Senador Marcos

By Chona Yu September 18, 2021 - 10:38 AM

Humihirit si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pamahalaan na isama sa special risk allowance, hazard pay at iba pang benepisyo ang mga non-medical frontliners staff na nagtatrabaho sa mga ospital at quarantine facilities.

Ayon kay Marcos, sana all ay mabigyan ng mga benepisyo.

“Pagdating sa mga benepisyong gaya ng SRA at Hazard Pay – sana all. Ito ang palagi kong sinasabi at ipinaglalaban dahil pareho ang peligro na sinusuong araw-araw ng lahat ng nagtatrabaho sa mga ospital at quarantine facilities,” pahayag ni Marcos.

Nakalulungkot ayon kay Marcos na naantala ang pagbabayad sa mga benepisyo ng mga non-medical frontlienrs at iba pang essential frontline workers.

“Ang mga guwardiya, janitor, mga non-medical staff sa mga laboratoryo at iba pang support staff sa isang ospital ay itinuturing rin na mga frontline workers pero bakit maging sila ay delayed rin makatanggap ng mga benepisyo?” ayon kay Marcos.

Nakalulungkot ayon kay Marcos na para lang mapansin ng pamahalaan ay kailangan pang mag-aklas ng mga frontliners.

“Kailangan pa bang mag-aklas ng ating mga frontliners para lang mapansin ng pamahalaan?  Hindi dapat ganito.  At ang mga ahensiyang gaya ng DoH ay dapat masigurong naaalagaan ang kanilang kapakanan,” dagdag ni Marcos.

“Dapat gawing prayoridad ng pamahalaan ang mga panukalang batas na magpapalawak sa saklaw ng SRAs at hazard pay at iba pang benepisyo para sa mga healthcare workers.  Bayani sila kung ating ituring, kaya’t ipakita natin ang ating pasasalamat sa mga sakripisyo nila sa pamamagitan ng pagbigay ng mga benepisyong nararapat nilang matangga,” ayon sa dating senador.

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., hazard pay, non-medical frontliners, special risk allowance, Ferdinand Marcos Jr., hazard pay, non-medical frontliners, special risk allowance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.