Presyo ng gasolina mahigit P26 na, diesel nasa P41 na
Matapos ang big time oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw, umabot na sa mahigit P26 ang presyo ng kada litro ng diesel at ang gasolina ay mahigit P41 na ang kada litro.
Sa monitoring ng Radyo Inquirer, sa bahagi ng Quirino Avenue sa Paco Maynila malapit sa Mabini Bridge, ang presyo ng kada litro ng diesel ng kumpanyang Petron ay P26.29, nasa P29.19 ang kada litro kapag magandang klase ng diesel, habang ang presyo ng gasolina ay P40.39 at P41.99 ang kada litro depende sa klase.
Pareho din ang presyo ng mga produktong petrolyo ng branch ng Chevron sa nasabing lugar.
Habang ang branch ng Shell, P26.20 ang presyo ng kada litro ng diesel, P30.45 kapag magandang klase ng diesel, habang P40.39, P41.99 at P43.85 ang kada litro ng gasolina depende sa klase.
Mas mahal naman ang presyo ng gasolina sa bahagi ng UN Avenue kanto ng Romualdez Street sa Maynila.
Ang branch ng Petron sa nasabing lugar ay P27.03 ang presyo ng kada litro ng diesel, habang P41.48 at P42.24 naman ang kada litro ng gasolina depende sa klase.
Ang presyo naman ng branch ng Shell sa nasabing lugar, P27.07 ang kada litro ng diesel, habang P40.48, P42.24 at P43.85 ang kada litro ng gasolina depende sa klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.