Mahigit 70 indibidwal na natutulog sa lansangan, dinampot ng mga tauhan ng Department of Social and Welfare and Development (DSWD) sa lungsod ng Maynila.
Aabot sa 79 na indibidwal na sa lansangan ng Maynila natutulog ang pinagdadampot ng DSWD at pansamantalang dinala sa kanilang center.
Bahagya pang nagkatensyon sa operasyon sa bahagi ng Kalaw Avenue matapos na pumalag at magwala ang isang babae at magbasag pa ng bote.
May mga nakumpiska ring drug paraphernalia at mga kutsilyo mula sa mga nadampot na indibidwal.
Ayon kay social welfare officer Clementino Dumdum Jr., regular nilang isinasagawa ang clearing operations sa Maynila.
Pag-aaralan ng ahensya ang estado ng buhay ng mga palaboy na maaring maisailalim sa 4Ps o di kaya ay sa Balik Probinsya program.