(Plaridel police via Inquirer)
Sugatan ang dalawang piloto matapos bumagsak ang sinasakyang Cessna plane sa Brgy. Agnaya, Plaridel, Bulacan.
Ayon kay Plaridel chief of police Colonel Jesus Manalo, sugatan ang piloto na si Paul Lemuel Gayones, 26 anyos at ang kanyang student pilot na si Leibon Ace Sandoval, 26 anyos.
Isinugod na sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawa para malapatan ng lunas.
Nabatid na nag-take off sa Plaridel airstrip sa Brgy. Bagong Bayan ang Cessna plane bandang 7:40 kaninang umaga.
Subalit makalipas ang 10 minuto, bumagsak na ang Cessna plane.
Ayon sa mga piloto, tumama sa puno ng acacia ang Cessna plane dahilan para maaksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.