Seguridad sa Pilipinas pinaigting sa gitna ng banta ng terror attack

By Chona Yu September 16, 2021 - 05:01 PM

PCOO photo

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na todo pagbabantay ang ginagawa ngayon ng pamahalaan sa posibleng pag-atake ng teroristang grupo sa bansa.

Pahayag ito ng Palasyo matapos magpalabas ng abiso ang pamahalaan ng Japan na mayroong namomonitor ang kanilang hanay sab anta ng seguridad sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpapasalamat ang Pilipinas sa Japan dahil sa pagbibigay ng impormasyon.

Pinaigting na aniya ng pamahalaan ang pahandaan para sa posibleng terror attack.

Base sa abiso ng Japan, pinag-iingat nila ang kanilang mga kababayan matapos mamonitor na mayroong posibleng terror attack sa anim na bansa sa Southeast Asia kabilang na ang Pilipinas.

 

TAGS: Harry Roque, Japan, Terror attack, Harry Roque, Japan, Terror attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.