Obispo ng Batanes humihingi ng tulong para sa mga nabiktima ng Bagyong Kiko

By Chona Yu September 16, 2021 - 04:02 PM

(Inquirer photo)

Umaapela ng tulong si Batanes Bishop Danilo Ulep para sa mga nabiktima ng Bagyong Kiko.

Ayon kay Bishop Ulep, marami sa mga residente ang nasiraan ng tahanan dahil sa nagdaang bagyo.

Katunayan, kasama aniya sa mga nasira ang rectory at kumbento ng Ivana Parish sat St. Dominic College.

Sa ngayon, isinailalim na sa state of calamity ang Batanes.

Tinatayang nasa P350 milyong halaga ng mga ari-arian ang nasira dahil sa bagyo.

Sa kabila ng panibagong kalamidad, sinabi ni Bishop Ulep na tiyak na makababangong muli ang mga taga-Batanes.

 

TAGS: Bagyong Kiko, batanes, Batanes Bishop Danilo Ulep, Bagyong Kiko, batanes, Batanes Bishop Danilo Ulep

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.