Pangulong Duterte mas gugustuhing mamatay kaysa humarap sa ICC

By Chona Yu September 16, 2021 - 03:55 PM

Mas gugustuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamatay kaysa humarap sa imbestigasyon ng International Criminal Court.

Nahaharap sa kasong crimes against humanity ang Pangulo sa ICC dahil sa anti-drug war campaign.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala kasing hurisdiksyon ang ICC para pakialaman ang usaping pangloob ng Pilipinas.

Katwiran ni Roque, maayos na gumagana ang mga korte sa bansa.

Una rito, inaprubahan na ng Pre-Trial Chamber 1 ng ICC ang hirit ni dating prosecutor Fatou Bensouda na imebstigahan ang drug war campaign ni Pangulong Duterte noong November 2011 hanggang March 2019.

Ayon kay Roque, walang reaksyon si Pangulong Duterte sa pasya ng ICC dahil noon pa man nanindigan na ang punong ehekutibo na mas gugustuhin na lamang niya ang mamatay bago humarap sa mga dayuhang huwes.

Iginiit pa ni Roque na kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag sa ICC.

Sinabi pa ni Roque na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC.

Kumpiyansa si Roque na sa basurahan lamang dadamputin ang kaso na isinampa laban kay Pangulong Duterte.

 

TAGS: Fatou Bensouda, Harry Roque, International Criminal Court, Pangulong Duterte, Fatou Bensouda, Harry Roque, International Criminal Court, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.