Pilipinas hindi makikipagtulungan sa ICC probe sa war on drugs ni Pangulong Duterte
Hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi papayagang makapasok sa bansa ang mga imbestigador ng OCC sakaling mag-umpisa na ng imbestigasyon.
Una rito, inaprubahan ng Pre-Trial Chamber 1 ang pagsasagawa ng imbestigasyon kay Pangulong Duterte.
Iginiit pa ni Panelo na walang hurisdiksyon ang ICC o ano mang foreign institution sa mga usaping panloob ng Pilipinas.
Nakatatawa pa ayon kay Panelo na ngayon pa magsasagawa ng imbestigasyon ang ICC gayung dalawang taon nang lumayas ang Pilipinas sa Rome Statute.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.