Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calid ana gumawa ng liham kay Commission on Audit Chairman Michael Aguinaldo.
Ito ay para pormal na hilingin sa COA na gumawa ng audit sa pondo ng Philippine Red Cross.
Sa Talk to the People ng Pangulo, nanindigan ang Pangulo na kailangang ma-audit kaagad ang pondo ng Red Cross na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon.
Nanindigan ang Pangulo na hindi overpriced ang mga biniling pandemic supplies ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, hindi siya kagaya ni Gordon na kawatan.
Sinabi pa ng Pangulo na wala siyang Red Cross na ginagatasan araw-araw.
Pathological storyteller aniya si Gordon dahil puro daldal na lamang ang ginagawa sa mga pagdinig sa Senado.
Natutuwa ang Pangulo sa ginawang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa naturang isyu.
Lumalabas kasi aniya ang katotohanan na hindi overpriced ang mga biniling pandemic supplies.
Mismong si Aguinaldo na ang nagsabi na wala sa COA report na overpriced ang mga biniling pandemic supplies.