Miyembro ng Abu Sayyaf Group natimbog ng NBI sa Quezon City

By Jan Escosio September 16, 2021 - 09:08 AM

Inquirer file photo

Natunton ng mga ahente ng gobyerno sa Quezon City ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Sinabi ni NBI officer-in-charge Eric Distor si Albazair Abdulla, alias Abu Saif ay kabilang sa mga sumalakay noong 2001 sa Golden Harvest plantation sa Basilan.

Naaresto si Abdulla ng mga ahente ng NBI – Counter Terrorism Division sa Salam Cmpound sa Barangay Culiat noong Setyembre 10 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng isang korte sa Basilan.

Magugunita na noong 2001, sa pamumuno ng yumaong ASG leader Isnilon Hapilon, sinalakay nila ang Golden Harvest Plantation sa Lantawan, Basilan.

Sa insidente ay sinunog nila ang kapilya at ikinulong ang 14 na manggagawa, na ang dalawa ay pinugutan.

Bukod pa dito pinagnakawan nila ang mga tindahan at tinangay ang mga armas, bala, maging mga alagang hayop na nasa lupain.

TAGS: abu sayyaf group, Albazair Abdulla, alias Abu Saif, ASG leader Isnilon Hapilon, Basilan, Golden Harvest plantation, NBI officer-in-charge Eric Distor, abu sayyaf group, Albazair Abdulla, alias Abu Saif, ASG leader Isnilon Hapilon, Basilan, Golden Harvest plantation, NBI officer-in-charge Eric Distor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.