Imbestigasyon ng ICC pre-trial chamber sa drug war campaign ni Pangulong Duterte, aprubado na
Inaprubahan na ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nag-ugat ang kaso dahil sa umanoý drug war killings sa bansa.
Nabatid na ang request for authorization para imbestigahan si Panulong Duterte ay inihain ni dating ICC prosecutor Fatou Bensouda noong June 14.
Inihain ni Bensouda ang request for authorization sa Rome Statute, na nagtatag sa ICC noong July 1, 2002.
Saklaw ng imbestigasyon ang mga krimen na nangyari sa Davao City simula noong November 1, 2011 hanggang March 16, 2019. Noong 2011, vice mayor pa si Pangulong Duterte ng Davao City. May 2016 elections nang manalong pangulo ng bansa si Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.