Malaking tulong ng NTC sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa, kinilala ng Napolcom

Nakakuha ang National Telecommunications Commission ng parangal mula sa National Police Commission (Napolcom) bilang pagkilala sa malaking tulong nito sa implementasyon ng mga programang naglalayon na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa. Maliban sa libreng paghahatid ng agarang paalala at patnubay sa publiko, malaking papel ang ginampanan ng NTC upang makuha ang pulso at hinaing ng publiko tungkol sa mga bagong protocol at panuntunan upang mapanatili ang peace and order ngayong panahon ng pandemya. Ilan sa mga ito ay ang implementasyon ng mga survey na may mga pamagat na “Public Perception of Police Checkpoints During the Community Quarantine Period” at “2021 Public Perception of Community Safety”. Sinabi ni Napolcom Vice Chairman and Executive Officer Vitaliano Aguirre II na ang tulong ng NTC at iba pang mga ahensiyang kanilang pinarangalan ay napakalaki ng naitulong sa pagkuha ng kapaki-pakinabang na impormasyon mula sa publiko na nagbigay-daan upang kanilang mapaganda pa ang kanilang serbisyo at mapalakas pa ang tiwala ng publiko sa kapulisan lalo na ngayong may pandemya. Ibinigay ang parangal online bilang selebrasyon na rin ng ika-55 anibersaryo ng Napolcom.

Read more...