Procurement law sa pagbili ng PPEs kahit may exemption sa Bayanihan 1 nasunod pa rin – COA
Kinumpirma ni Commission on Audit (COA) Chairman Michael Aguinaldo na may exemption sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act ang pagbili ng face masks at personal protective equipment sa ilalim ng Bayanihan Law 1.
Sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Aguinado na ang exemption ay laman ng resolusyon ng Government Procurement Policy Board na inisyu noong April 6.
Pero ayon sa COA chairman, sinunod pa rin ng PS-DBM ang mga probisyon ng procurement law.
Tinanong rin ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel kung sa ilalim ba ng emergency procurement ay kailangang tatlo ang bidders.
Sagot ni Aguinaldo, hindi na ito requirement base sa GPPB reso at ang kailangan lang ay most advantageous price, at may kakayahang mai-deliver ang items.
Direkta ring tinanong ni Pimentel kung ang ibig bang sabihin nito ay legal ang ginawang pagbili ng face masks at PPEs ng PS-DBM sa Pharmally.
Ayon sa COA chairman, compliant ito sa GPPB resolusyon.
Una nang sinabi ni Aguinaldo sa Senate Blue Ribbon hearing na pinapayagan ang Presidente na mag-utos ng agarang procurement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.