Never-say die attitude ng Barangay Ginebra nalasap ng Phoenix

By Jan Escosio September 15, 2021 - 08:27 PM

Nabuhay ang pag-asa ng Barangay Ginebra na makapasok sa quarterfinals ng 2021 PBA Philippine Cup.

Tinalo ng Ginebra ang Phoenix Super LPG, 94-87, sa kanilang paghaharap sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Opensa nina LA Tenorio at Stanley Pringle, gayundin ang rebounds ni Scottie Thompson ang gumana sa mga huling minuto ng laro.

Tumikada ng 31 puntos si Pringle, samantalang 23 naman ang iniambag ni Tenorio na nagpasok ng anim na tres kabilang ang isa na nagbigay ng limang puntos na kalamangan para sa Ginebra, 92 – 87, wala ng isang minuto ang nalalabi.

Umabot pa sa 19 ang lamang ng Phoenix sa unang bahagi ng laro, ngunit hindi na nila ito naalagaan at nagpasabog ng 10 – 0 bomba ang Ginebra sa ikaapat na yugto.

Sa unang laro, tinapos na ng TnT ang suwerte ng Northport, 102 -92, sa pagbabalik ng coaching staff sa pamumuno ni coach Pido Jarencio.

Muling gumana si Mikey William na nagpakalat ng 29 puntos, na sinundan ng 22 ni Kib Montalbo para masungkit nila ang unang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.