COVID 19 allowances and benefits sa medical frontliners inihirit ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio September 15, 2021 - 08:13 PM

Nais ni Senator Christopher Go na ngayon nagpapatuloy ang pandemya kailanga ay magkaroon ng allowances at benefits ang mga healthcare workers.

“As the coronavirus continuously spreads around the world and the number of infections and deaths proliferate, we see emerging healthcare workers on the front lines of the COVID-19 pandemic response, selflessly take lifesaving work against the virus,” paliwanag ni Go sa inihain niyang Senate Bill No. 2398.

Nakasaad sa Allowances and Benefits for Healthcare Workers Act of 2021 na tatanggap ng mga kinakailangan benepisyo at allowances ang mga nagta-trabaho sa mga pasilidad pangkalusugan hanggang nagpapatuloy ang COVID 19 crisis.

Ayon pa sa senador, ang buwanang special risk allowance ay bukod pa sa hazard pay na nakasaad na sa RA 7305 o ang Magna Carta of Public Health Workers.

Kapag ito aniya ay naging batas, magsisimula ang SRA sa petsang Hulyo 1 ngayon taon.

“As healthcare workers continue their lifesaving work it is incumbent upon the government to show our gratitude by providing them allowances and benefits that may improve the financial situation of both our public and private healthcare workers,” katuwiran pa ng senador.

Ngunit sa 2022 budget ng Department of Health walang pondo na inilaan para sa SRA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.