80% ng bagong COVID 19 cases naitala sa 11-30% ng NCR Plus barangays

By Jan Escosio September 15, 2021 - 08:02 PM

Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na base sa kanilang pag-aaral sa mga datos, 80 porsiyento ng mga naitalang bagong COVID 19 cases ay mula sa 11 hanggang 30 porsiyento ng mga barangay sa NCR Plus.

Ang obserbasyon, ayon sa DOH, ang basehan ng kanilang pagsuporta sa pagpapatupad ng granular lockdowns sa ilang piling lugar para hindi lubos na maapektuhan ang kabuhayan ng mamamayan.

“Additionally, wide scale lockdowns might no longer be effective since data shows that the majority of Filipinos in NCR were mobile during the enhanced community quarantine on August 10 than the previous ECQ last April 2021 as more essential activities and workers were allowed,” sabi ni DOH spokesman Ma. Rosario Vergeire.

Sabi pa nito patungo ang bansa sa ‘targeted and recalibrated actions’ para mapigilan ang pagkalat pa ng nakakamatay na sakit.

Hinihikayat din ng katawan ang mga lokaLna pamahalaan na paigtingin ang pagsasagawa ng active case finding at bawasan ang oras sa pagitan nang pagkakadiskubre sa pasyente hanggang sa kanyang isolation.

Gayundin palawakin pa ang maaring mabakunahan, samantalang panawagan pa rin ng DOH sa publiko na istriktong sumunod sa minimum health standards.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.