Composer ng kantang “Pusong Bato” na si Renee “Alon” dela Rosa, pumanaw na

By Chona Yu September 15, 2021 - 05:10 PM

Pumanaw na ang sikat na composer ng kantang “Pusong Bato” na si Renee “Alon” dela Rosa.

Base sa Facebook post ng anak ni dela Rosa na si Justine dela Rosa, sinabi nito na wala na ang kanyang amang si Alon.

Hindi naman binanggit ni Justine kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama.

Nakasaad pa sa Facebook post ni Justine na nasa ambulance pa ang kanyang ama at paikot-ikot sa iba’t-ibang ospital.

Hindi aniya agad naipasok sa ospital si Alon dahil punuan ang mga ospital.

Sinabi pa ni Justine na umabot na sa 35 na ospital ang kanilang napuntahan pero palaging tinatanggihan ang sikat na singer-songwriter na si Alon dela Rosa.

 

TAGS: Justine dela Rosa, Pusong Bato, Renee “Alon” dela Rosa, Justine dela Rosa, Pusong Bato, Renee “Alon” dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.