Sen. Santiago, panauhin sa Meet Inquirer Multimedia forum ngayong araw

By Jay Dones May 03, 2016 - 04:37 AM

 

santiago-meet inquirerSi Senador Miriam Defensor Santiago ang magiging ikapitong bisita sa gaganaping Meet Inquirer Multimedia forum ngayong araw.

Si Senador Santiago na kandidato rin sa pagka-pangulo ay haharap sa mga mamamahayag at kolumnista mula sa iba’t-ibang media platforms na nasa ilalim ng Inquirer Group of Companies.

Inaasahang tutugunan ng senadora ang ilang mga katanungan ukol sa patuloy nitong pagsusumikap na kumbinsihin ang taumbayan na siya ang piliin sa araw ng halalan at sa kanyang kalusugan.

Matatandaang may karamdaman na kanser sa baga ang senadora ngunit nagpapatuloy ang pagpapagamot nito.

Hindi rin naging hadlang para sa mambabatas ang kanyang karamdaman upang isulong ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo ng bansa.

Magaganap ang Meet Inquirer Multimedia Forum dakong alas 10:30 ngayong umaga.

Magsisilbing moderator ng forum ang editor-in-chief ng inquirer.net na si John Nery.

Ang Meet Inquirer Multimedia Forum ay live na mapapanood via ‘live streaming’ sa inquirer.net at mapapakinggan sa Radyo Inquirer 990khz-AM dakong alas 7:00 ng gabi ng Martes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.