Sa pagkasa ng granular lockdown, huwag gulatin ang mamamayan – Poe
Umapila si Senator Grace Poe sa mga lokal na pamahalaan na huwag biglain ang mamamayan sa pagpapatupad ng granular lockdown sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Poe dapat ay bigyan ng abiso ang mga maapektuhan ng granular lockdown upang sila at makapaghanda.
“Prior notice will allow them to stock up on food, medicine, water and other essentials even as aid from the local and national government are also expected,” sabi ni Poe.
Dapat din aniya bigyan ng panahon ang mga nagta-trabahong miyembro ng pamilya para makapag-paalam sa kanilang opisina at hindi sila mamarkahang ‘absent’ sa trabaho.
“Lockdowns can be used as means to save lives without killing livelihoods and further inflicting suffering on our people,” ayon pa sa senadora.
Bukas ang ikakasa ang pilot testing ng granular lockdown sa mga piling lugar sa Metro Manila na sinasabing madami ang may taglay ng COVID 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.