Apat na rebelde patay sa pagkasa sa PNP – SAF sa Negros Occidental

By Jan Escosio September 15, 2021 - 02:57 PM

(PNP photo)

Nagresulta sa kamatayan ng apat na rebelde ang mahigit isang oras nilang pakikipaglaban sa mga tauhan ng PNP-Special Action Force (SAF) sa Ilog, Negros Occidental, Martes ng umaga.

Sinabi ni PNP – SAF director, Brig. Gen. Felipe Natividad nangyari ang engkuwentro sa Barangay Tabo alas-7:20 ng umaga sa pagsasagawa ng mga pulis katuwang ang mga tauhan ng Army 15th Infantry Battalion ng joint strike counter-insurgency operations.

Nakatanggap sila ng impomasyon na may mga rebelde sa nabanggit na lugar.

Bukod sa apat na napatay na rebelde, may dalawa ang nasugatan at isa sa kanila ay nakilalang si Nilda Bertulano, kalihim ng NPA – South West.

Nadiskubre na may warrant of arrest si Bertulano para sa kasong murder.

 “Napag-alaman din natin na itong mga rebelde ay nagrerecruit ng mga bago nilang miyembro sa naturang lugar. Saludo ako sa ating mga pulis dahil sa matagumpay nilang operasyon laban sa mga teroristang ito, at hindi tayo titigil hangga’t hindi natin sila nahuhuli at mawakasan ang pagsira sa kinabukasan ng mga kabataan at pamilya ng kanilang narerecruit,” sabi naman ni PNP Chief Guillermo Eleazar.

TAGS: apat na rebelde, Brig. Gen. Felipe Natividad, Guillermo Eleazar, ilog, Negros Occidental, patay, PNP – SAF director, apat na rebelde, Brig. Gen. Felipe Natividad, Guillermo Eleazar, ilog, Negros Occidental, patay, PNP – SAF director

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.