104 na healthcare workers patay sa COVID-19

Aabot sa 104 na healthcare worker na ang namatay matapos mag-positibo sa COVID-19.

Ito ay base sa talaan ng Department of Health.

Ayon sa DOH, sa kabuuan nasa 24,284 healthcare workers na ang nag-positibo sa naturang sakit.

Sa ngayon, 366 ang active cases.

Sa naturang bilang, 221 ang mild, 95 ang asymptomatic, 20 ang moderate, 21 ang severe condition, at siyam ang kritikal.

 

Read more...