Panelo kay Gordon: Kayo ang dapat na makasuhan ng inciting to sedition

By Chona Yu September 15, 2021 - 12:16 PM

PHOTO GRAB FROM PCOO’S FACEBOOK LIVE VIDEO

Binweltahan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Senador Richard Gordon nang sabihin nitong inciting to sedition ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang mga miyembro ng gabinete na dumalo sa Senate hearing.

Ayon kay Panelo, ang komite ni Gordon na Senate Blue Ribbon ang dapat na makasuhan ng inciting to sedition dahil sila ang pumipigil sa sangay ng ehekutibo na gawin ang kanilang trabaho para matugunan ang pandemya sa COVID-19.

Dahil sa mga imbitasyon ng Senado, naantala aniya ang trabaho ng ehekutibo.

Kasabay nito, sinang-ayunan ni Panelo ang pahayag ng Pangulo na pagbawalan ang mga miyembro ng gabinete na dumalo sa Senate hearing.

Ayon kay Panelo, wala naman kasing binabalangkas na bagong batas ang mga senador para imbestigahan ang mga miyembro ng gabinete.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ngayon ang Senate Blue Ribbon committee kaugnay sa pagbili ng mga medical supplies ng pamahalaan para matugunan ang pandemya.

Inihalimbawa pa ni Panelo ang Executive Order 464 na inilabas noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa imbestigasyon.

Bagamat nakasaad sa Konstitusyon ang congressional power ng Senado, na-over rule ito ng Korte Suprema dahil naging pintuan ito ng pang-aabuso.

 

TAGS: inciting to sedition, Richard Gordon., Salvador Panelo, inciting to sedition, Richard Gordon., Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.