Edukasyon, ekonomiya tatamaan sa patuloy na saradong paaralan – Sen. Gatchalian
Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na dahil nanatiling sarado ang mga paaralan sa bansa magkakaroon ito ng malaking epekto hindi lamang sa kalidad ng edukasyon, kundi maging sa ekonomiya.
Sa briefing ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) binanggit ni Gatchalian ang 2020 report ng Asian Development Bank na dahil sa pagpapasara sa mga eskuwelahan, P1.9 trilyon ang masasayang.
Ayon naman kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua dahil wala pa rin face-to-face classes maaring sa susunod na 40 taon, aabot sa P11 trilyon ang mawawala sa pagiging produktibo ng mamamayan.
Nangangamba si Gatchalian na ang dalawang milyong mag-aaral na hindi na pumasok noong nakaraang taon ay hindi na ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.
Bunga nito, maapektuhan naman ang bilang ng mga manggagawa sa bansa sa mga darating na taon.
“I believe that some of our students will not go back to school because last year, we lost close to 2 million students who dropped out of school, including the Alternative Learning System. My fear is that these students will not go back to school anymore, creating a huge scar in terms of our workforce,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.