Tatanggalin na ng Philippine National Police ang mga checkpoint sa Metro Manila simula bukas, Setyembre 16 kasabay ng implementasyon ng Alert Level 4 na quarantine classification.
Ayon kay PNP chief Guillermo Eleazar, si-sentro ang puwersa ngayon ng mga pulis sa mga lugar na mayroonng granular lockdown.
Hindi na aniya bago para sa mga pulis ang pagbabantay sa mga lugar na may granular lockdown dahil noon pa man ay ginagawa na ito ng kanilang hanay.
Sa ilalim ng Alert Level 4, bawal lumabas ng bahay ang mga nag-eedad 18 anyos pababa at 65 anyos pataas.
Bawal din lumabas ng bahay ang mga mayroong immunodeficiencies, comorbidities, mga buntis at iba pang may sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.