Nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights kaugnay sa pagkamatay ng Grade 10 na estudyante sa San Enrique, Negros Occidental.
Ayon kay CHR Spokespersons Jacqueline Ann de Guia, base sa preliminary investigation ng Philippine National Police, hazing ang ikinamatay ng estudyante matapos paluin ng kahoy.
Nabatid na sumali ang biktima sa fraternity noong Marso subalit hindi agad na sumailalim sa initiation rites dahil sa menor de edad pa.
Bago ang ika-18 kaarawan ng biktima, pinagsabihan niya ang mga magulang na pinalo siya ng kahoy ng mga kasamahan sa fraternity.
Habang ginagawa ang imbestigasyon, hinimok ng CHR ang Department of Education na paigtingin ang Child Protection Policy para masiguro ang kaligtasan ng mga batang estudyante.
Nanawagan din ang CHR na ipatupad ang Anti-Hazing Act of 2008.